Sa Pagsusuri ni Kalinga Seneviratne
BANGKOK (IDN) – Ang pangunahing ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa na nangangasiwa sa pag-unlad ng Asya-Pasipikong rehiyon ay nag-utos para sa pangunahing pag-iisip muli sa pamamaraan na kinakailangan sa pag-unlad para sa rehiyon.
Sa isang ‘Economic and Social Survey’ ng rehiyon na ipinakilala sa ika-72 sesyon dito simula Mayo 17 hanggang 19, sinasabi ng Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) na habang ang sentro ng pandaigdig na grabidad sa ekonomiya ay patuloy na kumikilos pasilangan, dumating na para sa rehiyon ng Asya-Pasipiko na umayon sa modelong pag-unlad na umaasa nang higit sa domestiko at panrehiyong pangangailangan.
Pinagtatalunan na walang saysay upang ipagpatuloy ang eksklusibong pag-asa sa pag-unlad na dulot ng pagluluwas, ipinag-uutos rin ng ESCAP ang higit na rural na agrikultura at mga ugnayang pang-komunikasyon.
“Ang mga pagbabagong ito ay maaaring bahagyang matugunan sa pamamagitan ng pinahusay na mobilisasyon sa domestikong mapagkukunan, hangga’t may natatanging potensyal sa buwis ng rehiyon. Ang pagbubukas sa potensyal na ito ay nangangailangan ng pagtanggal sa mga bakasyon ng buwis at mga pagtatangi na nakasisira sa mga rehimen ng pamumuhunan.” ang sabi ng Ehekutibong Kinatawan ng ESCAP na si Shamshad Akther sa pambungad na pananalita.
“Ang pagiging progresibo ng mga sistema ng pagbubuwis ay tutulong upang talakayin ang mga hindi pagkakapareho at direktang daloy sa mas natutustusang mga pamumuhunan.’ tutol niya, sinabi niya na ang rehiyon ay may magandang potensyal “upang pagtibayin ang napagaganang kapaligiran upang gamitin ang kapital para sa pagtutustos” dahil napangangasiwaan nito ang pandaigdig na paglikida na halos 100 trilyong dolyar at pinakamataas na pondong yaman na nagkakahalaga ng halos 3 trilyong dolyar.
Ang pang-ekonomiyang pananaw para sa Asya Pasipiko ay malawakang matatag, tinututulan ang report, hinuhulaan ang paglago na tinatayang 4.6 porsiyento noong nakaraang taon upang dagdagan ang palugit nang 5 porsiyento sa 2017.
Sa layunin ng paglago dulot ng pagluluwas na hindi tiyak dahil sa mga suliraning pang-ekonomiya sa Europa at Japan gayundin sa Estados Unidos, ito ay paglilipat sa estratehiya ng pag-unlad tungo sa pagtaas ng domestikong pangangailangan at pagiging produktibo sa magsusulong na panrehiyong mga ekonomiya ng hinaharap, sabi ng ESCAP.
“Ang isa sa pangunahing isyu na aming ipinababatid sa aming survey ay ang mababang sahod,”sabi ni Hamza Ali Malik, Hepe ng Macroeconomic Policy and Analysis Section ng ESCAP.”Kung ang rehiyon ay magkakaroon ng natutustusang pag-unlad, dapat nitong paghusayin ang pagiging produktibo (at) kailangan mo ng mataas na antas ng pagiging produktibo upang suportahan ang mataas na antas ng tunay na sahod.”
Sa mataas na antas ng talakayan sa mga sesyon nito, may malawak na kasunduan na hindi natupad ng patakaran ng salapi at ang piskal na patakaran ngayon ay kailangang mas patanyagin, kasama ang mga pamahalaan gamit ang dinagdagang buwis sa kinita upang pasiglahin ang pag-unlad na pang-ekonomiya na nagpapahusay sa pagiging produktibo nang pangmatagalan.
Sinabi ni Dok Supachai Panitchipakdi, ang dating pinuno ng UNCTAD na nakabase sa Genera, na ang mga patakaran sa pananalapi ay pumapalya ngayon, at ang pandaigdig na kalakalan ay bumaba sa nakaraang mga taon, kailangang tumakas ng Asya sa mababang halaga ng trabaho, modelo ng pag-unlad na nakasentro sa pagluluwas. Ang UNCTAD ay ahensya ng UN na nangangasiwa sa mga suliranin sa pag-unlad, lalo na sa pandaigdig na kalakalan – ang pangunahing tagapagsulong ng pag-unlad.
“Nilalayon naming hindi pansinin ang panig ng patakaran sa kita na pinalitaw sa report ng ESCAP na ito,” sabi ni Dr Supachai. “Kasama ang pagpapataas sa pagiging produktibo) kailangan nating tingnan ang kabuuan ng patakaran sa kita…kapag pinag-uusapan natin ang pagtaas ng pagiging produktibo kailangan nating tingnan kung paano iyon ililipat sa pagtaas ng kita. Maraming bansa ang naging matagumpay sa pagtaas ng kanilang antas sa pagiging produktibo, ngunit napag-iiwanan parin ang antas ng kita. Ito ang pinagtatalunan, lumikha ng pagdami ng ari-arian hindi nang pagtaas ng domestikong pagkonsumo.
Sinabi ng Ministro ng Pag-unlad ng Pananalapi at Ekonomiya ng Kiribati na si Teuea Toatu na ang pang-ekonomiyang pag-unlad na nagsusulong sa pagiging produktibo ay posible at nagawang patunayan ng kanyang nakahiwalay na maliit na Pasipikong Islang bansa na hindi ito “pangarap na walang pag-asa”.
Ipinaliwanag niya na napagtanto ng pamahalaang Kiribati na ang kaalaman at antas ng kakayahan ng puwersa ng maliliit na manggagawa ay kinakailangan upang umunlad at samakatwid ay namuhunan ito sa edukasyon gayundin sa mga serbisyong pangkalusugan. Dinoble rin nito ang presyo ng kopra na binibili ng pamahalaan mula sa mga magbubukid ng lalawigan para iluwas.
“Ang panlalawigang ekonomiya ay umunlad sa pamamagitan ng kalakip na mga patakaran, “ pagtutol ni Toatu. “Ang mga subsidiya para sa pagbili ng kopra ay tumutulong upang pataasin ang produksyon at panatilihin sa kanilang mga lupain ang mga magbubukid ng lalawigan sa halip na mangibang lungsod.”
Ayon sa Permanenteng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Thailand na si itavas Srivihok, ang pagpapataas sa mabilis na kaalaman sa pagbasa at pagsulat, lalo na sa mga mag-aaral sa nakahiwalay na mga rural na paaralan, ay mahalagang patakaran ng pamahalaan upang turuan ang populasyon para sa hinaharap na pag-unlad ng pagiging produktibo. Ipinaliwanag niya na ang modelong ‘Kasapatan sa Ekonomiya’ ng hari ng Thai na ipinakilala sa mga lalawigang lugar ay batay sa “pagtatrabaho sa mga lokal na komunidad upang itayo ang katatagan at depensa sa loob nito”.
“Sa Timog Asya, karamihan sa maliliit na magsasaka (at) nagpapataas ng kanilang pagkaproduktibo ay malaking hamon,” sabi ni Arjun Bahadur Thapa, ang Heneral na Kalihim ng South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC) sa miting. “Kailangan naming turuan at bigyan ang maliliit na magsasaka ng teknolohiya upang pataasin ang produksyon.”
Ang pagkuha sa palatandaan ng SAARC Aprika at Latin Amerika ay nanghihimok sa paggamit ng ‘radyo ng bukid’ upang turuan ang mga magsasaka dahil ito ay isang murang paraan ng pagtuturo sa kanila, dagdag pa niya, habang isinasaad na karamihan sa mga instituto sa pagsasanay ay matatagpuan sa mga lungsod na lugar.
“Para kay Malik ang Sustainable Development Goals ng 2030 na isinusulong ng sistemang UN ay tungkol sa pagkuha ng kabuuang pamamaraan sa pag-unlad. “Sa halip na sabihing halina’t magpalago muna (sa ekonomiya) at pagkatapos ay lutasin ang mga suliraning panlipunan o pangkapaligiran, ang sinasabi namin ngayon ay, hindi tingnan natin ang mga kompromiso sa lahat ng tatlong isyu nang sabay-sabay,” sabi niya. Iyan ang pangunahing pagbabago sa pamamaraan ng na iniisip mo sa pag-unlad.”
“Ito ang paglayo sa pagtuon lamang sa pag-unlad ng ekonomiya o aspekto ng produksyon, at pagsasabi na ang kapakanan ng tao ay mas mahalaga kaysa sa ekonomiyang pag-unlad,” tutol ni Malik. “Oo, ang (ekonomiyang pag-unlad) na ito ay mahalaga ngunit hindi to ang buong kuwento. Iyan ang pinasusulong ngayon ng kabuuang sistema ng UN.” [IDN-InDepthNews – Mayo 19, 2016]