Ni Justus Wanzala
NAIRBI (IDN) – Ang ICPD25, na ginawa sa kapitolyo ng Kenya, sa Nairobi noong Nobyembre 12-14 at minamarkahan ang ika-25 anibersaryo ng 1994 International Conference on Population and Development (ICPD) sa Cairo, Egypt, ay nagtapos nang may hayagang pagkapangako sa pagtatamasa ng mga karapatan ng mga babae at batang babae.
Narinig sa kumperensiya, na dinaluhan ng higit sa 6,000 pinuno sa mundo, scholar, tagasulong ng karapatan at lider ng pananampalataya, ang pag-anunsyo sa pagkapangakong wakasan ang lahat ng pagkamatay sa panganganak, matugunan ang pangangailangan pampamilya para sa pagpaplano ng pamilya at harapin ang karahasang nakabatay sa kasarian at mga masamang kasanayan laban sa mga babae at batang babae bago ang 2030.
Magkasamang pinagtipon ng mga pamahalaan ng Denmark at Kenya kasama ang United Nations Population Fund (UNFPA), tumuon ang kumperensya sa pag-aalok ng inklusibong plataporma, na nagsasama-sama sa mga pamahalaan, ahensya ng United Nations, civil society, samahan ng pribadong sektor, grupo ng kababaihan network ng kabataan.
Napansin ng mga kalahok na ang nagawa ng Sustainable Development Goals ng UN (SDGs) ay hindi magagawa malibang ang mga babae, batang babae at mga kabataan ay may kontrol sa kanilang mga katawan, buhay, at mamuhay nang walang karahasan.
Sinabi ni Natalia Kanem, ang UNFPA Executive Director, na kinakatawan ng Nairobi Summit sa isang nabago, napalakas na pananaw at komunidad na nagtutulungan upang kumilos at maghatid. Napansin niya na sa pamamagitan ng nagkakaisang paninindigan, ang susunod na sampung taon ay maaaring isang dekada ng pagkilos at mga resultang para sa mga babae at batang babae.
Inilabas rin ng kumperensiya ang bagong data tungkol sa halaga ng pag-abot sa mga nakatakdang layunin. Ayon sa pagsusuno ng UNFPA at ng Johns Hopkins University, sa pakikipagtulungan ng Victoria University, ang University of Washington at Avenir Health, ang kabuuang halaga para sa mundo upang maabot ang mga target ay 264 bilyong dolyar.
Sa pagsasalita sa isang press conference, ipinaliwanag ni Kanem na ang pamumuhunang ito ay naglalayong matugunan ang tatlong target: 1) ang hindi pa natutugunang pangangailangan para sa contraception, para sa bawat babae at nagdadalagang babae upang makapagpasiya kung magbubuntis at kung kailan magbubuntis, at kung ilan ang gustong maging anak; 2) mga naiiwasang pagkamatay sa panganganak, upang walang babae ang mamamatay dahil sa kawalan ng pangangalaga sa kalusugan sa pagbubuntis; at 3) zero na karahasang batay sa kasarian at zero kaso ng mutilation ng ari ng babae, gayundin ng pag-aasawa ng bata at mga puwersahang pag-aasawa.
Sinabi ni Kanem na, “Ayokong sabihin ang 264 bilyong dolyar bilang gastusin ngunit bilang pamumuhunan sa sangkatauhan. Gastusin itong hindi natin maiiwasang pasanin.” Kasama sa kabuuang ito ang nasa 7.5 milyong dolyar sa mga bagong pamumuhunan sa mga susunod na taon kabilang ang teknikal na pamumuhunan para sa pagsisimula ng inobasyon at pagiging-malikhain ng pribadong sektor sa pag-abot sa pangko ng Nairobi.
Idinidiin ng nangungunan sa UNFPA na inkonklusibo ang ICPD, nang walang grupong hindi pinapansin kabilang ang komunidad ng tomboy, bakla, bisexual at transgender (LGBT).
Nagbigay ang kumperensya ng pagkakataon para sa mga grupong hindi pinapansin tuland ng mga kabataan at mga saligang tagapagsulong na makipag-ugnayan sa mga pinuno ng estado at mambabatas tungkol sa kung paano matutugunan ang mga karapatan at kalusugan ng lahat ng tao.
Sa pagbalik-tanaw sa pinagmulan at gayundin pagtingin sa hinaharap, binanggit ni Kanem sa mga delegado na sa kabila ng mahabang paglalakbay sa hinaharap, nagkaroon ng pagsulong sa nakalipas na 25 taon simula ng pagpupulong sa Cairo. “Bumaba ang pagkamatay sa panganganak nang 44 porsyento sa buong mundo,” sabi ni Kanem, na idinadagdag: “Nangangahulugan ito na apat na milyong babae na maaaring namatay habang nagbubuntis, o nanganganak, ay buhay ngayon” ngunit “hindi sapat ang mahusay na pagsulong at ang mga pangakong ginawa sa mga batang babae, at mga babae at sa lahat ay dapat na gawin.”
May kaugnayan sa mga pangako, ang mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa – kabilang sa mga ito ang Austria, Canada, Denmark, Finland, France, Germany, Iceland, Italy, Netherlands, Norway, Sweden at ang United Kingdom, kasama ang European Commission – ay nagpangako ng isang bilyong dolyar. Ang pribadong sektor na kinakatawan ng mga organisasyong tulad ng Ford Foundation, Johnson & Johnson, Philips, World Vision at marami pang ibang organisasyon ay nakapangako sa pagbibigay ng nasa walong bilyong dolyar.
Sa pagsasalita sa kumperensya, sinabi ng presidente ng Kenya na si Uhuru Kenyatta na malaki ang pinagbago ng mundo simula noong 1994 sa larangan ng populasyon at pagsulong. “Tumaas ang pagiging hindi patas sa loob at sa lahat ng bansa at may mas malaking pagkakakaiba-ibang demograpiko. Napapaharan ang ilang bansa sa mundo ng mabilis na pagtanda ng populasyon; habang ang iba naman ay naghahanda sa pinakamalaking kasabwat ng mga kabataan na namamalas ng mundo ngayon,” sabi niya.
Sa pananawagan sa pag-alis ng mga kasanayan, patakaran at batas na sumisira sa mga karapatan ng babae, sinabi ni Kenyatta na may pangangailangang maalis ang pag-mutilate ng ari ng babae (female genital mutilation o FGM) na, sabi niya, nananatiling isa sa pinakaseryosong mga paglabag ng karapatang pantao ng mga babae at batang babae. “Nong Abril ng nakalipas na taon, pumirma kami ng landmark na deklarasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng Kenya, Uganda, Tanzania, Somalia at Ethiopia upang matugunan ang cross border na kasanayan sa FGM,” sabi niya.
Tinawag-pansin niya ang mga kalahok na tandaan ang mga binanggit niya na “mga pinakamahalagang kalahok” na hindi nakadalo sa summit, na tumutukoy sa mga biktima ng karahasan dahil sa kasarian, diskriminasyon, at pang-aabuso. “Tinutukoy ko ang 1 sa 5 babae mula sa lahat ng sulok ng mundo na sa taong ito lang ay makakaranas ng karahasang batay sa kasarian, malaman mula sa isang kakila nila; ang 800 babae at batang babae na namamatay bawat araw sa pagbubuntis o panganganak; at ang apat na milyong batang babae, na bawat taon, ay kailangang tiisin ang pinakamasakit at traumatic na mga epekto ng FGM,” sabi niya.
Idinagdag ni Uhuru na ang ibang hindi kalahok ngunit mahalagang mga kategorya ay ang higit sa 33,000 batang babae na ipinapakasal bawat araw bago ang edad 18, at ang milyun-milyong kabataang walang trabaho na may limitadong pag-asa para sa kanilang hinaharap.
Sinabi ni Ib Petersen, Special Envoy ng Denmark para sa ICPD25, na hindi magkakaroon ng ICPD50, na idinaragdag na ang mga babae at batang babae sa buong mundo ay naghintay na nang napakatagal upang magkaroon ng mga karapatan at pagpipilian. “Sa pagharap sa 2030, pumapasok na tayo sa isang dekada ng paghahatid kung saan gagawin natin ang sinabi natin at pananagunit ang bawat isa sa atin para sa mga pangakong ginawa natin sa Nairobi,” sabi ni Petersen.
Nanawagan si Rasmus Prehn, Danish Minister para sa Development Cooperation, para sa higit pang suporta sa kabataan at mga babae, na binabanggit na ang nasabing mga babae at batang babae ay ang bumubuhay ng naipagpapatuloy na pagsulong. “Ang mga babae at batang babae ang tunay na may-ari ng kanilang katawan,” sabi niya.
Gayundin ang naging pananaw ng UN Deputy Secretary-General na si Amina Mohammed, na nagsabing: “Milyun-milyong babae at batang babae ang naghihintay pa rin para magawa ang mga pangako, matagal na silang naghihintay.” Idinagdag niya na hindi maaabot ang mga SDG hanggat hindi makokontrol ng mga babae at batang babae ang kanilang mga katawang at buhay, at mamuhay nang walang karahasan.”
Sinabi sa mga delegado ni Ambassador Kamau Macharia, ang Principal Secretary sa Kenyan Ministry of Foreign Affairs, na “bilang sumusulong na bansa, alam natin ang halaga ng kakulangan sa pagsulongt: ang halaga ng mga namatay na ina, ulila, ang mga na-abort at nasirang pamilya dahil sa karahasan sa kasarian ay hindi matutumbasa ng 264 bilyong dolyar.”
Ayon kay Macharia, hindi dapat maghintay ang mga sumusulong na bansa para sa suporta ng donor upang pondohan ang kanilang mga programa ngunit dapat na pakilusin ang sarili nilang pagpopondo. “Ang mga bansang sumusulony ang mga gumagamit ng sarili nilang mapagkukunan upang pondohan ang sarili nilang mga proyekto na nasa pandaigdigang agenda.” [IDN-InDepthNews – Nobyembre 17, 2019]
Litrato: Nagsasara ang Nairobi ICPD25 Nairobi Summit nang may pananawagan sa pagkilos. Credit: Flckr | UNFPA