INPS Japan
HomeLanguageTagalogPinalawig Nang 5 Taon Ang Agwat sa Pagitan ng...

Pinalawig Nang 5 Taon Ang Agwat sa Pagitan ng Mahirap at Mayaman Pagkatapos Ng Pagpapatibay Sa Mga Layunin ng Tuloy-tuloy na Pag-unlad

Ni J Nastranis

NEW YORK (IDN) – Ang 2020 ay aalalahanin bilang taon kung saan ang nakakahawang sakit ay nagpatigil sa buong mundo, nagpalawig sa agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, nagpasimula sa pagtindi ng kahirapan sa unang pagkakataon sa ilang dekada, at nagtulak pabalik sa mga pagsisikap ng United Nations na lumikha ng mas kapaki-pakinabang na mga lipunan na nagsasapanganib sa Mga Layunin ng Tuloy-Tuloy na Pag-unlad na napagkasunduan sa buong mundo noong Sityembre 2015.

Sa mga unang araw ng Disyembre, nagbabala ang United Nations na ang  record na 235 milyong tao ay mangangailangan ng tulong sa pagkakawanggawa sa 2021, na binubuo ng mga 40 porsiyento noong 2020 na halos lahat ay dulot ng pandemya.

“Ang larawan na aming ipinakikita ay ang pinakamalungkot at pinakamadilim na perspektibo sa pangangailangan ng mga tao sa panahon sa hinaharap na aming itinakda,” saad ni UN Under-Secretary-General ng Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordinator na si Mark Lowcock.

” Ito ang larawan ng mga katotohanan na ang pandemyang COVID ay nagdulot ng pagkamatay ng maraming tao sa halos lahat ng pinakamahina at maselan na mga bansa sa planeta.”

Nagbabala si G. Lowcock na ang antas ng mga hamon na humaharap sa sangkatauhan sa susunod na taon ay marami– at lumalago. “Kapag nalampasan natin ang 2021 nang walang malawakang taggutom iyan ay magiging napakalaking tagumpay,” sabi niya. “Ang mga pulang ilaw ay kumikislap, at ang mga kampana ng alarma ay tumutunog.”

Ang pagsulong sa pagbabawas ng paghihirap ng bata ay tumama rin nitong taon. Ang Pagpopondo ng UN sa Mga Bata, ang UNICEF, at ang World Bank ay nagreport na halos 365 milyong bata ay nabubuhay sa kahirapan bago magsimula ang pandemya, at nahulaan na ang ilan sa mga bilang na iyon ay nakatakdang tumaas nang matindi bilang resulta ng krisis. Tinatamaan nito ang mga pagsisikap na mabawasan ang batang naghihirap.

Nagkaroon ito ng seryosong mga implikasyon: ipinagkakait ng labis na kahirapan sa ilang daang milyong bata ang oportunidad na maabot ang kanilang tunay na potensyal, may kinalaman sa pisikal at pangkaisipang pag-unlad, at isinasapanganib ang kanilang kakayahan na makakuha ng magagandang trabaho sa kanilang pagtanda.

” Magugulat ang sinuman sa bilang pa lamang na ito”, saad ni Sanjay Wijesekera, Direktor ng mga Programa ng UNICEF: ” Kinakailangan agad ng mga gobyerno ng recovery plan para masugpo ang hindi mabilang na mas maraming bata at ng kanilang mga pamilya na umabot sa mga antas ng kahirapan na hindi pa nakikita sa napakaraming taon.”

Itinuro ni Achim Steiner, pinuno ng ahensya ng pag-unlad ng UN, na UNDP ang ibang aspekto ng sitwasyon: “Taglay ng mga kababaihan ang tindi ng krisis ng COVID-19 dahil mas posible silang mawalan ng pinagkakakitaan at hindi gaanong posible na maging sakop ng mga pamamaraan ng proteksyon sa lipunan”. Tinutukoy niya ang data na inilabas noong Sityembre.

Ibinunyag na ang antas ng kahirapan ng mga babae ay nadagdagan nang higit sa siyam na porsiyento, katumbas ng 47 milyong babae: inilalarawan nito ang kabaliktaran ng ilang dekada ng pag-unlad upang buwagin ang labis na kahirapan sa nakalipas na ilang dekada.

Isinaad ni Phumzile Mlambo-Ngcuka, ang Ehekutibong Direktor ng Kababaihan ng UN na ang tindi ng kahirapan ng mga kababaihan ay ang “matinding pagdiriin ng malalim na kapintasan” sa mga paraan ng pagkakatatag ng lipunan at ng ekonomiya.

Gayunpaman ay iginiit ni G. Steiner na ang mga kagamitan ay umiiral para lumikha ng malaking pagbabago sa buhay ng mga kababaihan, kahit sa panahon ng kasalukuyang krisis. Halimbawa, mahigit 100 milyong babae at kabataang babae ang makakaahon sa kahirapan kung pinagbuti ng mga pamahalaan ang edukasyon at pagpaplano ng pamilya at pagtiyak na ang mga sahod ay patas at katumbas sa mga kalalakihan.

Ang report na sinusuportahan ng UN noong Abril ay nagbunyag ng saklaw ng pandaigdigang paghihirap, na idinaragdag na ang kahirapan at taggutom ay lumalala, at ang mga bansa na apektado na ng mga krisis sa pagkain ay mas mahina sa pandemyang COVID-19.

“Dapat nating panatilihing tumatakbo ang mahahalagang daloy ng suplay ng pagkain,”, saad ng pag-aaral, ang pagdiriin sa kahalagahan ng pagpapanatili ng paghahatid ng tulong sa mga tao “upang patuloy na mapakain at mapanatiling buhay ang mga taong nasa krisis”.

Ang mga komunidad ay kinakailangang maghanap ng makabagong mga paraan upang pakainin ang mahihirap at mahihina, mula sa paggamit ng pampublikong transportasyon bilang mga food hub, tradisyonal na mga uri ng paghahatid sa bahay, at mga mobile market, habang sinusunod ang isinasagawang mga paghihigpit sa COVID-19.

Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng mga paraan sa mga lungsod sa Latin America na nag-rally upang suportahan ang kanilang mga populasyon, at nagpakita ng mga babala mula sa Food and Agriculture Organization (FAO), na ang panganib sa kalusugan sa maraming mamamayan ng lungsod ay mataas sa panahon ng pandemya, lalo na sa 1.2 bilyon na nakatira sa lugar ng mahihirap, at iba pang mga di pormal na tirahan, na binanggit sa UN News.

Ipinahayag noong Pebrero ng ILO, ang ahensyang nakatuon sa trabaho ng UN na ang dalawang bilyong tao na nagtatrabaho sa di pormal na sektor ay partikular na lantad sa pandemya. Noong Marso, ang ahensya na sumunod sa mga pagtataya ay nagmungkahi na milyun-milyon ay mawawalan ng trabaho, magtatrabaho taliwas sa kanilang kasanayan, o mahirap na kundisyon ng pagtatrabaho na hindi sapat ang sahod para sa pamilya.

” Hindi na lamang ito pandaigdigang krisis sa kalusugan, ito rin ay malawakang merkado ng trabaho at krisis sa ekonomiya na nagkakaroon ng malaking epekto sa mga tao”, saad ng Pangkalahatang Direktor ng ILO na si Guy Ryder. Ang ahensya ay naglathala ng mga rekomendasyon sa mga paraan upang masugpo ang pinsala sa mga kabuhayan, kabilang ang proteksyon ng empleyado sa lugar ng trabaho, ekonomiya at mga programa ng stimulus sa pagtatrabaho, at kita at suporta sa trabaho.

Dahil tinanggal ng COVID-19 ang mahahalagang tagumpay ng pag-unlad sa loob lamang ng ilang buwan, na may matinding pagtaas ng kahirapan sa unang pagkakataon sa maraming dekada, ang pandemya ay maaaring magpasiklab sa mga pagbabagong kinakailangan para makamit ang mas matibay na mga sistema ng proteksyong panlipunan, saad ng Pangkalahatang Direktor ng UN na si António Guterres noong Disyembre.

Nagsalita siya sa event upang alalahanin ang ika-25 na anibersaryo ng the World Summit for Social Development, kung saan nanawagan siya para sa matapang at imahinatibong aksyon ng mga lider upang masugpo ang pangmatagalang mga epekto ng krisis.

Iginiit ni Guterres: “Ang pandemya ay nagdudulot ng bagong kamalayan sa mga panganib sa lipunan at ekonomiya na dulot ng hindi sapat na mga sistema ng proteksyon sa lipunan, hindi sapat na access sa pangangalaga sa kalusugan at iba pang mga pampublikong serbisyo at mataas na antas ng hindi pagkakapantay-pantay, kabilang ang kasarian, hindi pagkakapantay-pantay ng lahi, at lahat ng iba pang mga anyo na ating nasaksihan sa mundo.”

Dagdag pa niya: “Kung gayon ay maaari itong magbukas ng pinto sa mga transpormasyong pagbabago na kinakailangan upang magtatag ng Bagong Panlipunang Kontrata sa pambansang antas, na angkop para sa mga hamon ng ika-21 siglo.”

Ipinakikita ng kanyang mga komento sa hindi pagkakapantay-pantay na isinagawa isang taon na ang nakakaraan, bago dumating ang pandemya, binanggit ng hepe ng UN na ang daigdig ay nangangailangan ng bagong Pandaigdigang Kasunduan, ” kung saan ang kapangyarihan, mga resource at oportunidad ay mas naibabahagi sa pandaigdigang hanay ng paggawa ng desisyon, at ang mekanismo ng pamamahala ay mas nagpapakita ng mga realidad ngayon,”. [IDN-InDepthNews –Disyembre 30, 2020]

Litrato: Ang kinatawan ng World Food Programme (WFP) sa Bolivia ay nakipag-usap sa mga katutubong babae ng Uru-Murato tungkol sa COVID-19 sa kamalayan at malusog na mga kasanayan sa nutrisyon. Credit: WFP/Morelia Eróstegui

Most Popular