INPS Japan
HomeLanguageTagalogWalang Mga Turista sa Sikat Na Industriya ng Pagmamasahe...

Walang Mga Turista sa Sikat Na Industriya ng Pagmamasahe sa Thailand sa Napipintong Pagbagsak

Ni Pattama Vilailert

BANGKOK(IDN) — Ang sikat na industriya ng turista sa Thailand ay naging kasing kahulugan ng mga tradisyunal na mga parlor sa pagmamasahe at mga treatment center. Subalit ang lockdown sa pandemyang COVID-19 ay nagkaroon ng malubhang epekto sa industriya at maaaring mapilitan ang mga banyaga na magkaroon ng kontrol. Ang patuloy na lockdown ay masamang nakaapekto sa negosyo ng spa at masahe.

Ibinunyag ng presidente ng Thai Spa Association na si Krod Rojanastien sa isang panayam kasama ang Tagapangasiwa ng pahayagan dito na, simula sa unang wave ng pandemya noong nakaraang taon, nang ang trapiko ng turista ay halos huminto, mahigit 80% ng mga negosyong spa at Thai massage ang nagsara alinsunod sa mga kautusan ng lockdown kasabay ang pagkawala ng trabaho ng mahigit 200,000.

Si Ratchanee ay solong ina sa kanyang dalawang anak na babae. Isa siyang Spa Manager sa Pratunam sa lugar ng Central Bangkok. Bago ang outbreak, kumikita siya ng mahigit $1,000 kada buwan mula sa kanyang fixed na sahod at mga serbisyong masahe na ibinibigay din niya sa mga customer kapag walang sapat na masahista upang serbisyuhan ang pagdagsa ng banyagang turistang mga kliyente.

“Naging magulo ang buhay ko simula nang magsara ang aking negosyong spa,” kuwento ni Ratchanee sa IDN. “Sarado na kami simula pa noong mga unang buwan ng 2020, (at) kahit na noong katapusan ng dalawang naunang wave nang payagan ng pamahalaan na magbukas ang mga negosyong masahe at spa para sa mga lokal hindi iyon nakatulong sa aking kabuhayan.”

Ang pangunahing mga customer ng kanyang spa ay mga turista mula sa Malaysia, Singapore, at India bukod sa iba pa. Kung walang mga internasyonal na turista na pupunta sa Thailand, ang kanyang spa ay mananatiling sarado. Ngayon, kailangan niyang baguhin ang linya ng kanyang karera at iwan ang trabaho na pinakagusto niya. Napilitan siyang magbenta ng ihaw-ihaw sa bangketa malapit sa kanyang nirerentahang apartment sa labas ng lungsod sa Bangkok. Naghihintay pa rin siyang makakatanggap ng kaunting pera mula sa stimulus package ng pamahalaan.

Ang Thai massage ay naging popular sa buong mundo. Ito ay pinaniniwalaang ginagawa na ito sa kahirapan sa buong mundo mga 2,500–7,000 taon na ang nakakaraan. Ang Thai massage ay may naiibang katangian ng kumbinasyon ng yoga at medisinang Thai, na gumagana sa malakas na mga daanan ng katawan. Isa pang kapansin-pansing feature ng Thai massage ay sa oras ng masahe, sila ay hihiga sa sahig, hindi sa mesa at sila ay nakabihis buong katawan.

Ang tradisyunal na Thai massage o Nuad Thai ay itinuturing na bahagi ng sining, agham, at kultura ng tradisyunal na pangangalaga sa kalusugan ng Thai at noong 2019 itinala ng UNESCO angThai massage sa Listahan ng Hindi Nahahawakang Pangkulturang Pamanang Kultura ng Sangkatauhan.

Noong 2019, naitala ang kita ng turismo ng Thai na $62 bilyon, habang ang negosyo ng spa at masahe ay kumita nang mga $900 milyon na positibong taunang pagtaas na kita na 8%. Tinaya ng Global Wellness Institute na ang Thailand ay isang destinasyon ng mahigit 12.5 milyong turista na nagpupunta para sa turismo ng kalusugan at kagalingan bawat taon. Ipinakilala ng pamahalaan ang patakaran upang isulong ang Thailand bilang Kapitolyo ng Spa sa Asya. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 8,600 lugar ng spa at masahe sa buong Thailand, subalit isang malaking katanungan kung ilan sa mga ito ang makakaligtas sa pandemiya.

Sa sunod-sunod na lockdown, ilan sa mga lokal na maliliit na negosyo ay nakatanggap ng tulong pinansyal na 5,000 Baht (mga $150) kada buwan sa unang wave ng lockdown. Subalit marami sa mga negosyong spa ay pag-aari rin ng mga banyaga.

Upang husgahan ang epekto ng pandemya sa industriya ng spa/masahe, kailangan lang niyang magtungo sa lugar ng Pratunam katabi ng sikat na mga shopping center sa Bangkok, na karaniwang dinadagsa ng mga turista. Karamihan ay permanente nang nagsara simula noong unang wave na tumama sa Bangkok noong unang tatlong buwan ng 2020.

Ang sumusunod ay nagbubuod ng sitwasyon.

Ang mas maliliit na operator at lokal na pagmamay-ari na mga tindahan ng masahe ay inangkop ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pag-aalok ng masahe sa bahay na serbisyo o pansamantalang paglilipat sa iba pang maliliit na negosyo upang sila ay mabuhay. Sa pagkadismaya sa pagpapahaba ng lockdown mula saCOVID-19, tnagsampa ng kaso ang mga operator ng masahe at spa laban sa gobyerno ng Thailand noong Agosto ng taong kasalukuyan. Humingi sila ng 200-million-baht ($5.9 milyon) na kabayaran. Wala raw plano ang gobyerno para ipagpatuloy nila ang kanilang kabuhayan.

Sa kamakailang panayam sa Biznews, nagpahayag ng alalahanin si Rojanastien ng mga alalahanin na ang karamihan sa mga lokal na operator ay maaaring hindi makaligtas sa kasalukuyang krisis, at sa mga Tsino na bumubuo sa pinakamalaking merkado ng turismo, ang mga negosyanteng Tsino na may malaking puhunan ay maaaring sumakop sa mga negosyong ito ng spa. Sinabi niya na napansin na niya ang gayong mga paggalaw sa pag-aaral ng Thai-massage ng Tsino.

Sa hangarin na panatilihing nangingibabaw ang industriya ng spa, pinahintulutan ng gobyerno na muling magbukas ang mga lugar ng spa at masahe mula Setyembre 1, ngunit para lamang mapagsilbihan ang lokal na customer. Si Sky, na isang masahista sa isang lugar ng masahe sa Makkasan, malapit sa Pratunam, ay nagsabi na ang kanyang mga pangunahing customer ay mga dayuhang turista mula sa India, Malaysia, at Singapore na nagpunta upang mag-shopping sa Pratunam. “Nagmamasahe ako sa loob ng 12 taon at kumikita ng humigit-kumulang 500 dolyar bawat buwan bago ang outbreak,” kuwento niya sa IDN.

Sa tatlong wave ng COVID-19 kung saan walang mga dayuhang customer, hindi siya bumalik sa kanyang bayan sa hilagang-silangan o nagpalit ng linya ng trabaho. Nanatili lang siya sa shop dahil ang may-ari na Thai ay nagbigay ng tirahan at pagkain para sa mga tauhan. Umasa siya sa mga stimulus package ng gobyerno, na ibinigay sa mga walang trabaho dulot ng COVID-19. Minsan kailangan niyang humiram ng pera sa mga nagpapautang na labis ang patubo para mabuhay. “Simula sa buwang ito, puwede na ulit akong magmasahe, pero kaunti lang ang customer araw-araw. Mas kaunti ang demand dahil mas maliit din ang kinikita ng mga lokal na Thai sa panahon ng pandemya. Baka kailangan kong bumalik sa nayon para doon manirahan,” malungkot niyang sabi.

May-ari si Wesda ng Thai massage shop sa isang makipot na kalsada sa tapat ng Indra Hotel, ang pangunahing lugar ng pamilihan ng Bangkok. Ang kanyang pangunahing mga customer ay mga turista mula sa Korea, Japan, Australia, Singapore, Malaysia, Vietnam, at India. Bago ang outbreak, dati siyang kumikita ng humigit-kumulang $3,000 sa isang buwan. Sa panahon ng tatlong wave ng lockdown, sa simula, nabuhay siya mula sa pag-interpret ng wikang Thai para sa ilang Vietnamese na naninirahan sa Pratunam. Gayunpaman, para sa ika-2 at ika-3 wave ng lockdown, nakauwi na ang Vietnamese sa kanilang bansa.

“Dati ay mayroon akong 17 masahista, 7 permanente at 10 part-time. Nang dumating ang pandemya karamihan sa aking mga masahista ay bumalik sa kanilang mga bayan. Tatlong part-time na masahista ang nagtatrabaho sa akin, sa ngayon, “sabi niya. “Kahit na lubhang nahirapan ang aking negosyo, kailangan ko pa ring magbayad ng upa na 25,000 Bhat ($740) buwan-buwan, matapos akong bigyan ng may-ari ng bahay ng 50 porsiyentong diskwento kasama ng mga singil sa kuryente at tubig.”

Simula noong ipatupad ang lockdown, naglabas ang gobyerno ng mga stimulus package para magbigay ng tulong pinansyal sa mga negosyo at mga Thai. Ang mga lugar ng spa at masahe ay kabilang sa mga pinakaunang negosyo na inutusang magsara. Sa kasamaang palad, hindi sila nakatanggap ng anumang subsidyo mula sa gobyerno, tanging ang kanilang mga manggagawa na nakarehistro sa ilalim ng Seksyon 39 at Seksyon 40 ng Social Security Act 119 (SSA) ang nakakatanggap ng ipinamimigay na cash na 5,000 baht ($150).

Si Wesda ay labis na na-stress na gumastos ng sapat para sa kanyang ipon at paghiram ng pera mula sa mga nagpapautang na labis magpatubo at dahil doon ay ninais niyang magpakamatay. Sa kabutihang palad, isang araw noong Hunyo, inihatid siya ng kanyang asawa sa Nakhon Pathom, isang probinsya na 70 kilometro mula sa Bangkok. Doon, nakita niya ang liwanag sa dulo ng lagusan. Nagsimula siyang bumili ng mga niyog mula sa Nakhon Pathom at ibinenta ito sa labas ng kanyang massage shop. Siya ay kumikita ng 340 baht ($10) sa isang araw, na sinabi niya: “Mas mabuti ito kaysa wala”.

Pagkatapos ng muling pagbubukas ng negosyo noong Setyembre 1, maaari siyang magbigay ng serbisyo sa pagmamasahe sa paa sa mga lokal na customer. “Hindi ako makakakuha ng sapat na pera mula dito upang mabayaran ang aking mga gastusin, tanging ang muling pagbubukas ng Thailand sa susunod na taon sa turismo ang makapagliligtas sa akin,” umaasa niyang sabi. [IDN-InDepthNews – 02 Oktubre 2021]

Collage ng mga larawan: (kaliwa) Mga nakasarang massage parlor sa lugar ng Pratunam at Rachanee: Sa pagbagsak ng negosyo sa masahe, nagbebenta si Rachanee ng BBQ na baboy sa simento sa labas ng kanyang apartment. Pinasasalamatan: Pattama Vilailert.

Most Popular