ni Kalinga Seneviratne
VIENTIANE (IDN) – Nakatulong ang Presidente ng E.U. na si Barack Obama noong maaga ng Sityembre sa Laos upang magtuon ng atensyon sa isa sa kasindak-sindak na krimeng digmaan sa kasaysayan, ang pagbomba sa maliit na bansang nasa gitnang lupain ng Timog-silangang Asya sa panahon ng Digmaang Indotsina noong taong mga 1960 at 1970, at ang malawakang pinsala sa tao at sa pag-unlad.
Ginamit ng mga Taga-Laos ang pagbisita ni Obama at ng Sekretarya ng UN na si Heneral Ban Ki-Moon para sa ASEAN at East Asia Summits upang ilunsad ang kanilang Sustainable Development Goal 18 at mga aktibidad na pang-ekonomiya.
Ang SDG 18 ay ang pinakabagong karagdagan sa grupo ng 17 pandaigdig na napagkasunduang mga layunin na bubuo sa sentro ng bagong adyenda sa natutustusang pag-unlad na nagkaroon ng bisa sa simula ng taon, ayon sa pahayag mula sa United Nations sa Lao PDR. Ang Lao PDR, kasama ang lahat ng ibang 192 UN na miyembro ng estado, na nag-endorso ng mga SDG sa Pangkalahatang Asambleya sa New York noong Sityembre 2015 at nagsagawa ng pagsulong sa pagsasama ng mga iyon sa pambansang mga plano at polisiya.
Pinasinayaan nina Laotian Prime Minister Thongloun Sisoulith at Ban Ki-moon ang sariling SDG ng Lao noong Sityembre 7 sa isang espesyal na pagtitipon noong Summit meeting. Tungkol sa pagtitipon, binanggit ni UN Secretary-General na mahigit kalahati ng nasawi na dulot ng UXO sa Laos sa mga nakaraang taon ay mga bata na kadalasan ay mga batang lalaki.
“Layunin namin sa SDG 18 na tapusin na ang kakila-kilabot na pangyayaring ito nang minsan pa. Ang epektong sosyo-ekonomiko ng kontaminasyon ng UXO ay nangangahulungan na kulang ang mga tao sa kompiyansa sa kaligtasan ng kanilang lupain, na bilang kapalit ay may mga negatibong epekto sa kita ng mga magbubukid sa nayon at sa kanilang mga pamilya at pumipigil sa pag-unlad ng buong bansa” sabi ni Ban Ki-Moon.
Dagdag niya: “Tinatanggap ko ang paglalaan ng pamahalaan upang palayain ang mga tao nito mula sa UXO, gamit ang makapangyarihang kagamitan katulad ng pambansang SDG na titiyak na ang mga pagsisikap ay iuugnay para sa buong epekto.”
Natatangi ang Laos sa pagiging isa sa pinakalabis na mga bansang binomba sa mundo. Mula 1964 hanggang 1973, nagdusa ang bansa sa ilan sa pinakamabibigat na panghimpapawid na panganganyon sa kasaysayan ng daigdig.
Sa siyam na taon, mahigit 500,000 misyon ng pagbobomba pangunahin na ng Hukbong Panghimpapawid ng E.U. ang nagbagsak ng mahigit dalawang milyong tonelada ng kanyon, o halos isang tonelada kada lalaki, babae at bata sa populasyon sa panahong iyon.
Karamihan sa mga ito ay maliliit na bomba laban sa grupong anti-personnel na inilaan upang pasabugin sa oras na iyon o ilang sandali pagkatapos ng pagbagsak, ngunit ang antas ng pagkabigo ayon sa tantiya ng UN ay maaaring kasing taas ng 30 porsiyento. Bilang resulta, mahigit 40 taon pagkatapos ng digmaan, nakakaapekto parin ang mga UXO sa 15 sa 18 probinsiya.
Napag-alaman ng Sarbey sa National UXO Socio- Economic Impact na isinagawa noong 1996-97 na 86 sa 133 distrito sa bansa (o 25 porsiyento ng lahat ng nayon) ay naiulat na patuloy na kontaminado ng UXO.
Ang tinatayang 80 milyong cluster munition ay nananatiling hindi pa sumasabog. Nililimitahan ng UXO ang ligtas na paggamit sa agrikultura at lupa para sa pag-unlad na mga proyekto at ginagawang mas magastos at mapanganib ang konstruksyon ng transportasyon at imprastruktura ng kuryente, mga paaralan, ospital at pasilidad sa supply ng tubig. Sa dahilang ito kaya nagtalaga ang pamahalaan ng Lao ng sarili nitong pambansang Layunin sa Natutustusang Pag-unlad, ang Goal 18.
“Nakikita namin na karamihan sa mga nasawi ay sa mga nayong lugar at kabilang sa pinakamahihirap na populasyon. Iyon ay nag-uugnay sa kahirapan,” paliwanag ni Nils Christensen, Pinuno ng UXO at Poverty Unit sa United Nations Development Programme (UNDP) sa Laos sa isang panayam sa IDN-INPS.
“Kapag gumagawa ka ng pagpapaunlad sa mga nayong lugar, sariling hamon nito ito. Kapag nagtatrabaho ang mga magsasaka sa bukid baka may mga bomba sa ilalim ng lupa kaya lubhang direktang panganib sa kanilang kabuhayan at gayundin sa mga gawaing pag-unlad,” dagdag niya.
Simula sa katapusan ng Digmaang Indotsina noong 1975, nagsisikap na ang Laos na linisin ang lupa mula sa mga UXO. Sa simula, ginawa ito mismo ng mga apektadong magsasaka at komunidad nang may napakalaking panganib sa kanilang mga buhay.
Dumating ang suporta ng pandaigdig na tulong at espesyalisadong pandaigdig na mga NGO nang mas huli, dahil kilala ang digmaang ito bilang “sekretong digmaan” ng Pentagon, na itinago ng pandaigdig na midya. Hindi alam ng kahit sa karamihan ng mga Amerikano ang digmaang krimen na ginawa ng kanilang pamahalaan na waring upang ihinto ang hanay ng supply ng Vietcong sa pamamagitan ng Laos patungong Vietnam.
Nagtayo ng pambansang operator noong 1996 ang Pamahalaan ng Lao na may suporta ng UNDP upang matugunan ang problema ng natitirang mga UXO. Ito ang naging lakas sa pagsisikap ng bansa upang tanggalin nito mismo ang mga labi ng digmaan. Sa nakalipas na 20 taon, nalinis ng UXO Lao ang mahigit 300 kilometro kuwadrado ng lupa para sa ligtas na paggamit, sinira ang mahigit 1.3 milyon ng UXO at nagsagawa ng mahigit 11,000 pagbisita sa mga nayon upang turuan ang mga komunidad tungkol sa mga panganib ng hindi sumabog na mga bomba.
“Nagbibigay sa atin ang SDG 18 ng malinaw na layunin para magtrabaho,” pangangatwiran ni Chistensen, isang Danish national. “Sinubukan naming magtakda ng ilan sa mapaghangad na mga target, halimbawa nais namin na bawasan ang mapaghangad na mga target, halimbawa nais namin na mabawasan ang sakuna sa pinakamababang antas hangga’t maaari.”
Idiniin niya na may mga nasawi bawat taon sa Laos. “Naniniwala ako na mahigit 40 na sa taong ito … nais naming gawin iyon para masabi na wala nang magiging anumang sakuna,” dagdag niya.
Sa unang hakbang sa pagpapatupad ng SDG 18, nagpaplano ang pamahalaan ng Lao para magsagawa ng komprehensibong pambansang sarbey sa kontaminasyon ng UXO, na tutulong upang pagtuonan ang gawaing paglilinis sa mga lugar na mataas ang panganib at bawasan ang bilang ng mga sakuna.
Hamon sa UNDP at pamahalaan ng Lao na unahin ang mga lugar na kailangan nilang pagtrabahuhan, pangangatwiran ni Christensen. “Kapag nalaman namin na ang kontaminasyon ay napakalaki malapit sa nayon dapat naming unahin iyon bago magpunta sa mga bundok na walang naninirahan,” paliwanag niya. “Priyoridad kung saan naninirahan ang mga tao kung saan mayroon silang kabuhayan kung saan ang kontaminasyon ay mapanganib sa buhay ng tao, sa aktibidad ng tao.”
Pinagtibay ng Sektor ng UXO, na suportado ng UNDP ang bago, pamamaraan sa sarbey na UXO batay sa ebidensya noong 2015, na nagresulta sa naisasaalang-alang na pagtaas ng bilang ng grupo ng maliliit na kanyon na nilinis kada ektarya ng lupa; kung saan mas kakaunti sa 7 grupo ng maliit na kanyon kada ektarya noong 2014 hanggang sa mahigit 22 grupo ng maliit na kanyon kada ektarya noong 2015.
Ang pamamaraan sa bagong sarbey ay nangangailangan ng konsultasyon sa mga komunidad upang tukuyin ang lahat ng kilalang UXO sa loob at sa paligid ng mga nayon, kasunod ng teknikal na sarbey upang itatag ang lawak ng bawat Kumpirmadong Mapanganib na Lugar, kung saan pagkatapos ay ipapasok sa pambansang database at uunahin para sa paglilinis.
Ang pagkuha ng angkop na teknolohiya para magtrabaho sa mahirap na kalupaan ay ang pinakamalaking hamon para sa mga proyekto ng paglilinis ng Lao UXO, pangangatwiran ni Christensen. “Kailangan naming hanapin ang mga UXO hanggang sa 25 cm diametro,” banggit niya. “Kailangan namin ng iba’t ibang kagamitan, dahil depende ang lahat sa lupain, mahirap para sa kagamitan ang tukoy na mga lugar na lupa.”
Naging nangungunang tagapagtaguyod din ang Laos para sa Kombensyon sa Mga Cluster Munition, ang pandaigdig na kasunduan na ipinatupad noong 2010, na pumipilit sa Mga Partidong Estado na linisin ang mga kontaminadong lugar, sirain ang mga tambak at magbigay ng tulong sa mga biktima ng mga aksidenteng dulot ng mga cluster munition. [IDN-InDepthNews – 05 Oktubre 2016]