Ni J Nastranis
UNITED NATIONS (IDN) – Ang ating karagatan ay mahalaga sa ating ibinabahaging kinabukasan at pangkalahatang pagkatao sa lahat ng sari-saring uri nito. Sakop ng ating karagatan ang tatlong sangkapat ng ating planeta, nagkokonekta sa ating mga populasyon at merkado, at bumubuo ng mahalagang bahagi ng ating likas at pangkulturang pamana.
Nagsusuplay ito ng halos kalahati ng oxygen na ating nilalanghap, hinihigop ang mahigit sa sangkapat ng carbon dioxide na nililikha natin, gumaganap sa mahalagang papel sa siklo ng tubig at ang sistema ng klima, at mahalagang pinagkukunan ng biodibersidad ng ating planeta at ng mga serbisyo ng ecosystem.
Nag-aambag ito sa patuloy na pag-unlad at natutustusang mga ekonomiya na nakabase sa karagatan, gayundin ang pagsugpo sa kahirapan, seguridad ng pagkain at nutrisyon at pandagat na kalakalan at transportasyon, disenteng trabaho at mga kabuhayan.
Baka isipin ng isa, ang mga siping ito na nagmula sa 14-point Call for Action na lumilitaw bilang pinagkasunduan mula sa isang linggong United Nations Ocean Conference ay pangkaraniwang kabatiran, na isinasaalang-alang ng mga henerasyon sa pamamagitan ng kasaysayan.
Ngunit ang katotohanan ay malayo sa pagiging karaniwang kaalaman ang mga ito. Sa katunayan, ang pagtitipon na idinaos noong Hunyo 9 sa punong-tanggapan ng United Nations sa New York ay ang kauna-unang pagpupulong tungkol sa mga karagatan. Ngunit isinama ito sa pandaigdig na kasunduan upang ibalik ang paghina ng kalusugan ng karagatan, at higit pa na 1,300 pangakong aksyon upang protektahan ang dagat.
Ang Call for Action ay pinagtibay sa pamamagitan ng kasunduan ng kalahok na mga Pinuno ng Estado at Pamahalaan at mga nakatataas na mga kinatawan na “naninindigan sa aming matibay na kasunduan at patuloy na ginagamit ang ating mga karagatan, dagat at mga yaman ng karagatan para sa patuloy na pag-unlad.”
“Ang pamantayan ng kalidad ay naitawag pansin na sa pandaigdig na kabatiran at kaalaman ng suliranin sa mga karagatan,” sabi ng Pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan ng UN, na si Peter Thomson, sa mga mamamahayag sa New York.
Sinabi ni Thomson, na katutubong kasamahan ng Fiji na nag-isponsor sa event kasama ang Sweden, na nakuha ng mga tagapag-organisa ang gusto nila mula sa komperensiya: “100 porsiyento ang aking kasiyahan sa resulta ng komperensiyang ito. Mataas ang aming layunin. Layunin namin na simulan ang pagbabaliktad ng siklo.”
Sa pagsasalita katabi si Thomson, Ang Pangkalahatang Kalihim ng The Ocean Conference, na si Wu Hongbo, ay nagsabi na ang pinagkasunduang dokumento ay nagtala ng mga espesipikong kaparaanan “upang pagtibayin ang pandaigdig na kasunduan at pakikipagsosyo” para sa mga karagatan.
Ang mga pangunahing punto mula sa pulitikal na dokumento at mga talakayan (mula Hunyo 5-9) ay magiging bahagi ng UN High-level Political Forum on Sustainable Development (HLPF), ang sentrong bahagi na para sa pagsusuring muli at pagrepaso ng 2030 Agenda para sa Sustainable Development at ng Sustainable Development Goals (SDGs) na hinalaw noong Sityembre 2015. Ang HLPF ay nakatakdang magpulong sa susunod na buwan sa New York.
Bilang karagdagan sa pulitikal na Call for Action, ang mga kalahok – na kabilang din sa libu-libong mga kinatawan ng lipunang sibil, akademiks, alagad ng sining, institusyon sa pananalapi at iba pang mga propesyonal at aktibista– ay nangakong aaksyon upang pangalagaan at pananatilihin ang paggamit ng mga karagatan, dagat at mga yamang dagat. Ito ang layunin ng SDG14. Noong hapon nang Hunyo 9, mahigit 1,300 boluntaryong mga pangako ang nairehistro na.
Habang sinasabi ang bilang na “tunay na kahanga-hanga,” pinatingkad din ni Wu, na Under-Secretary-General din ng UN sa Economic and Social Affairs, ang mga pangakong binubuo na ngayon ng “talaan ng solusyon sa karagatan.”
Sa aming ‘Our Ocean, Our Future: Call for Action’, binigyang-diin ng mga kalahok ang pinagsama-sama at hindi mahahating katangian ng lahat ng SDG, gayundin ang mga kaugnay sa loob at pinagsamang pagsisikap sa pagitan nila, at inuulit ang malaking kahalagahan ng pagiging nagagabayan sa kanilang gawain sa 2030 Agenda, kabilang ang mga simulain na dito ay pinagtibay muli.
Kinikilala nila na kinakaharap ng bawat bansa ang espesipikong mga hamon sa paghahangad ng patuloy na pag-unlad, lalo na sa hindi gaanong maunlad na mga bansa o least developed countries (LDCs), mga mauunlad na bansang nasa pagitan ng ibang mga lupain, papaunlad na maliliit na islang bansa o small island developing States (SJDS), at Mga Estado sa Aprika, kabilang ang mga nasa baybayin, gayundin sa ibang mga kinilala sa 2030 Agenda. Mayroon ding malulubhang pagsubok sa loob ng maraming bansa na may katamtamang kita.
Sa Call for Action, idinidiin “nila ang kanilang pangako na makamit ang mga target ng Layunin 14 sa loob ng mga itinakdang panahon, at kailangang katigan ng aksyon sa pangmatagalan, ay nagsasaalang-alang ng iba’t ibang realidad ng bansa, kakayahan, at antas ng pag-unlad at iginagalang ang mga posiliya at priyoridad ng bansa.” Kinikilala nila, partikular na ang espesyal na kahalagahan ng mga tiyak na target sa Layunin 14 para sa SIDS at LDCs.
Ang Komperensiya, kung saan ang ilan sa 6,000 taong lumahok, na kinilala rin na ‘tayong lahat o wala’. “Na pagdating sa karagatan, ito ay pangkalahatang pamana ng sangkatauhan. Walang Hilaga -Timog, Silangan-Kanluran pagdating sa karagatan,” saad ni Thomson. “Kapag namatay ang karagatan, kamatayan natin itong lahat.”
Idiniin niya na sa pamamagitan ng “paglulunsad ng proyekto” sa SDG 14, ang komperensiya ay tumulong na pasulungin ang aksyon sa lahat ng SDGs, pagpopondo sa siyensiya ng karagatan, ngunit higit pa ang kailangan upang punan ang mga kakulangan sa kapasidad,” paliwanag niya.
Ang mga paksang tinalakay ay mula sa polusyong plastik sa mga karagatan at dagat hanggang sa pagiging asidik ng karagatan at ipinagbabawal na pangingisda– na kaugnay sa mga paksa ng pagsugpo sa kahirapan, pagwakas sa gutom, pagsusulong ng kalusugan, pagtitiyak ng mapagkukunang tubig at sanitasyon, at iba pa.
Iniugnay ni Thomson ang tagumpay ng komperensiya sa “magandang paraan” kung saan ang lahat ng iba’t ibang kalahok ay nagsama-sama upang magtalakayan at magtrabaho nang sama-sama.
Pinuri niya ang “pagiging bukas sa sambayanan, sa sektor ng agham, hanggang sa pribadong lipunan” sa pagsira sa karaniwang mga pagkakahati sa pagitan ng mga pamahalaan at iba pang mga sektor. “Walang kanila at sa atin. Ito ay tayong lahat o wala.”
Bilang karagdagan sa walong plenaryong pagpupulong at pitong dayalogo ng pagsososyo, Kabilang sa Komperensiya ng Karagatan ang 150 na karagdagang event, 41 na pagtatanghal at interbyu sa SDG Media Zone.
Kabilang sa mga kaganapang ito ang New Oceans Advocate at ipinagmamalaki ng mundo na Australyanong mang-aawit at manunulat ng kanta na si Cody Simpson, gayundin ang Marine biologist na si Douglas McCauley, Aboriginal artist na si Sid Bruce Short Joe at pilantropong Espanyol na si Álvaro de Marichalar.
Ang pinaghalong mga personalidad at matatag na suporta para sa aksyon na dulot ng “pagiging malikhain at pagkakaisa” sa aksyon para sa mga karagatan, ang sabi ng conference co-chairwoman, Deputy Prime Minister ng Sweden na si Isabelle Lovin.
Sa World Oceans Day noong Hunyo 8, UN Secretary-General António Gut pinagtuunan ng pansin ni Secretary-General António Gut ang katotohanan na ang hinaharap ng mga karagatan ng planeta ay pinahihirapan ng mga panganib katulad ng pagbabago ng klima, polusyon at mapanirang mga gawain sa pangingisda– at ang kawalan ng mga kakayahan upang matugunan ang mga panganib na ito.
“Ang pangangalaga at, ang paggamit, sa ating mga karagatan sa patuloy na paraan ay mahalaga upang makamit ang ekolohikal at ekonomikal na mga layunin para sa mga komunidad saanman,” ang sabi ni Guterres sa mensahe sa World Oceans Day.
“Inaasahan na ang konserbasyon at patuloy na paggamit ng mga karagatan ay makakamit lamang kung matutugunan natin nang epektibo ang mga panganib na kinakaharap ng mga karagatan,” ang sabi ng Secretary-General, na idiniriin na ang “ating kinabukasan sa gayon ay matutukoy sa pamamagitan ng ating sama-samang paglutas upang ibahagi ang impormasyon at humanap ng mga solusyon sa pare-parehong mga problema.”
Ang malusog na karagatan ay nangangailangan ng matatag na pandaigdig na kaalaman sa siyensya ng karagatan, sabi ng Director-General na si Irina Bokova ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa kanyang mensahe ng pag-alaala sa Araw na iyon na may matibay na panghihikayat upang pakilusin at gamitin ang pinakamahusay na siyentipikong kaalaman upang protektahan ang ating malalaking karagatan sa ating planeta.
“Hindi natin mapanangasiwaan ang hindi natin kayang sukatin, at walang nag-iisang bansa ang may kakayahan sukatin ang napakaraming pagbabago na nangyayari sa karagatan. Mula Fiji hanggang Sweden, mula Namibia hanggang Artiko, ang lahat ng mga Pamahalaan at kasosyo ay kailangang magbahagi ng kaalaman upang lumikha ng magkakatulad ng polisiya batay sa siyensya,” dagdag ni Bokova. [IDN-InDepthNews – Hunyo 12, 2017]
Litrato: Ang grupo ng Moorish Idols na naglalayag sa ibabaw ng coral reef, Ha’apai, Tonga. Credit: UNEP GRID Arendal/Glenn Edney