INPS Japan
HomeLanguageTagalogTradisyunal na Kaalaman at mga Pangunahing Tema ng Edukasyon...

Tradisyunal na Kaalaman at mga Pangunahing Tema ng Edukasyon sa Pagpupulong ng Sirkulo Sa Artika

Ni Lowana Veal

REYKJAVIK (IDN) – “Ang mga taga-isla ay walang kinalaman sa pagbabago ng klima bagaman sila ang maaaring pinaka magdusa,” ang sabi ni Nainoa Thompson mula sa Polynesian Voyaging Society sa Arctic Circle assembly na nakatuon sa mga pandaigdigang pananaw sa tradisyunal na kaalaman, agham at pagbabago ng klima. Si Thompson ay mula sa Hawaii, ngunit ang kanyang kapwa mga taga-pagsalita ay mula sa Thailand, Chad, Fiji, Kenya at Norwegian Lapland.

Ang kalagayan ng mga taga-pulo sa Timog Pasipiko ay isa sa mga pangunahing tema sa Pagpupulong ng Sirkulo Sa Artika ngayong taon, na itinatag ng Reykjavik para sa ikalimang magkakasunod na taon. Ang kaganapan sa taong ito (na gaganapin mula Oktubre 13 hanggang 15) ay partikular na malawak ang saklaw, na may pagpipilian sa 105 na mga panimulang sesyon (mga seminar) pati narin ang mga talumpati at pagtalakay ng panel.

Sa mga nakalipas na taon, ang polusyon sa dagat at ang epekto ng microplastics sa mga karagatan ay naging napaka pangkasalukuyan. Sa pagtatangka na harapin ang problemang ito, gumawa ng interactive mapa ang Olandes na oseanograpong pisikal na si Erik van Sebille upang subaybayan ang kapalaran ng mga plastik.

Sa pag-uulat na mahigit sa 70 porsiyento ng lahat ng lumulutang na plastik na nagmula sa hilagang-kanlurang Europa ay humahantong sa Artiko, siya at ang kanyang mga kasamahan ay nag-organisa ng isang paglalayag sa Svalbard at Jan Mayen na mas maaga sa taong ito kung saan natagpuan nila ang piraso ng nasirang lambat pangisda na orihinal na nakapasok sa dagat ng Nova Scotia sa taong 2000, kasama ang plastik na barko na nagmula sa isang pakete ng siryal noong 1958 sa United Kingdom.

Ipinakilala ni Tom Barry mula sa programang Conservation of Arctic Flora and Fauna ang State of Arctic Marine Biodiversity na ulat para sa pagsubaybay, na lumabas noong Mayo 2017 at kabilang ang mga pangunahing natuklasan at payo para sa pagsubaybay. “Ang pangunahing kasangkapan ay ang balangkas na plano ng marino na inilagay upang mapangasiwaan ang nauulit na pag-uulat at pakikipag-usap sa sa kalagayan at takbo ng Arctic marine biodiversity,” sabi niya.

Nabanggit ni Barry na ang naglalahong yelo sa dagat ay mayroong epekto sa buhay ng halaman at hayod dahil kapag naglalaho ang yelo sa dagat, ito ay nagiging hamon para sa iba’t-ibang mga komunidad.

Kagaya noong nakaraang taon, ang mga komunidad ng Inuit ang pangunahing sentro ng tatlong araw na pagtitipon, ngunit sa pagkakataong ito ang diin ay mas higit sa tradisyunal na kaalaman (TK) kaysa sa nababagong enerhiya.

Ang Memorial University sa Canada ay bumuo ng programa na tinatawag na Smart Ice, na itinutugma ang agham sa mga tradisyunal na isyung pang-lokal. Nasasangkot sa inisyatiba ang pakikinig at pagsasaayos ng mga komunidad, pagsasama-sama ng mga tao, pagtukoy sa mga prayoridad, at pagsasama ng TK sa kaalaman sa unibersidad. Ang mga komunidad sa hilagang Canada, na binubuo ng karamihan sa mga taong Inuit, ay umaasa ng labis sa yelo sa dagat para sa pangangaso, koleksyon ng kahoy at iba pang mga pangangailangan.

Sa Norway, iniulat si Anders Oskal mula sa International Centre for Reindeer Husbandry ng Norway, ang Konseho ng Artiko sa Arctic Monitoring and Assessment Programme na nagsasaayos sa mga pastol ng usang reno at kung paano nila hinaharap ang pagbabago ng klima.

“Ang Konseho ng Artiko ang nangunguna kabilang ang TK,” sabi niya, ngunit “ang panig ng pagsasaliksik ay mas tumatanggap sa TK kaysa sa panig ng pangasiwaan, na nagsabi na ‘kailangan naming ang layuning kaalaman para mangasiwa’… May pangangailangan para sa higit pang mga katutubong institusyon, transboundary na mga institusyon, na naghahalo sa dalawang uri ng kaalaman, tulad ng ilang mga pastol ng usang reno na mayroong PhDs.”

Ang TK ay kasama sa Kasunduan Sa Paris sa pagbabago ng klima at ang tradisyunal na plataporma ng mga tao ay naitatag upang makipagpalitan ng kaalaman, narining ng Kapulungan. “Ang tradisyunal na pabilyon ng mga tao at komunidad ay ilalatag sa Bonn sa COP 23 (ang 2017 Komperensya ng UN sa Pagbabago ng Klima) na magsasangkot sa pitong mga rehiyon,’ sabi ni Hindou Ibrahim, co-chair ng International Indigenous Peoples Forum sa Pagbabago ng Klima.

Ang pagkilos ng mga indibidwal ay may mahalagang papel ngayong taon. Itinuro ni Marco Braun mula sa Canadian consultancy Ouranos sa isang plenaryo sa pagbabago ng klima at enerhiya na mayroong pagkaantala ng mga 30 taon matapos ang “pag-switching off’ – nangangahulugan na kailangan nating kumilos ngayon kung pupuksain natin ang pagbabago ng klima.

Binuo sa ilang linggong abiso sa 2016 Komperensya ng UN sa Pagbabago ng Klima (COP 2) sa Marrakech noong nakaraang taon sa pagsisikap ng dating pangulo ng Icelandic na si Olafur Ragnar Grimsson, na pinangunahan din ang paniniwala sa Pagpupulong ng Sirkulo sa Artika, ang The Roadmap na misyon ay ipinakilala sa isang sesyon ng plenaryo sa pagpupulong.

Binubuo ito ng 20 na mga nakatutulong na pahayag na nakatuon sa ‘Mga Gumagawa’, bilang halimbawa ng unang pahayag ng Roadmap: “Naniniwala kami na ngayon na ang panahon’. Ang panahon para kumilis. Ang panahon na gawin ang dapat gawin upang isakatuparan ang mga pagbabago na nakabalangkas sa kasunduan sa Paris. Ang oras para ihinto ang pag-uusap tungkol sa “Ano” at simulan malaman ang ‘Paano‘.”

Ang pagpupulong ay ang lugar din para sa unang talakayan tungkol sa napananatiling mga layunin sa pag-unlad (SDGs) sa Artika. Mangyayari ito minsan sa isang buwan at sa huli ay mag-uulat sa pagpupulong ng Konseho ng Artika sa Setyembre 2018. Iba’t-ibang mga isyu ang inihain, mula sa pangangailangan para sa komunidad na nangangaso sa Greenland na magkaroon ng input sa pangangailangan na “lumagpas sa retorika” na may kaugnayan sa mga isyu ng napananatiling pagmimina.

Sinabi ni Maria Mjoll Jonsdottir, Direktor ng United Nations sa Iceland’s Ministry for Foreign Affairs sa madla. “Ang lahat ay bumabalik sa pangunahing hamon, na kung saan ito ay ang pagbabago ng klima. Tinitingnan ng Iceland ang mas luntiang lupain; ang mga isda ay lumilipat sa mas mainit na katubigan. May likas na katangian ang mga isyung ito.”Gayunpaman, “Ang layunin (SDG) 5, pagkakapantay-pantay ng kasarian at ang pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan, ay ang susing daan para maabot ang iba pang mga layunin,” pangwakas niya.

Ang Edukasyon ay isa pang susing isyu, ayon kay Heather Nicol mula Trent University sa Canada, na nagsabi na ang mga layuning SDG ay dapat na gawing mas naaangkop sa maliliit na mga komunidad sa hilaga. “Paano mo sinusuportahan ang pang-edukasyong mga oportunidad sa maliliit na mga komunidad sa hilaga at walang masyadong akses sa edukasyon,” tanong niya. “At kaugnay sa SDGs 16 at 17, patuloy niya, “paano naaapektuhan ng teknolohiya ang edukasyon at imprastrakturang panlipunan?”

Umusbong din ang isyu ng edukasyon sa iba pang mga seminar. Sa isang sesyon sa kabataan ng Artika at napapanatiling kinabukasan, itinuro ni Diane Hirschberg mula sa Unibersidad ng Alaska Anchorage na ang akses sa edukasyon ay maaaring may limitasyon sa maliliit na mga komunidad sa Alaska. “Kapag nagdesisyon ka na umalis mula sa iyong tahanang komunidad, maaaring magkaroon ka ng mas maraming mga mag-aaral sa iyong klase kaysa sa iyong buong tahanang komunidad,” sabi niya. “Kung minsan,” pagpapatuloy niya, “maaaring kailangan mong matuto ng pangalawang wika” kapag ang paaralan ay hindi nagtuturo ng katutubong wika ng tao. Nagbubunsod ito ng pagkabalisa at kaguluhan. Ang katulad na alalahanin ay nagaganap din sa Greenland.

Ang Unibersidad ng Artika (UArctic) ay binubuo ng grupo ng mga unibersidad, institusyon sa pagsasaliksik at iba’t-ibang mga organisasyon na may kaugnayan sa edukasyon at pagsasaliksik sa hilagang climes. Ang Tematikong Network nito sa Heopolitika at Seguridad ay nagdaraos ng mga seminar kada taon sa Pagpupulong ng Sirkulo sa Artika. Ang isang seminar ngayong taon ay tumingin sa pinsala sa kapaligiran dulot ng militar sa panahon ng kapayapaan at ang isa pa ay tumingin sa pagbabago ng klima bilang isang banta sa seguridad.

Si Lassi Heinenen mula sa Unibersidad ng Lapland ay isa sa mga tagapagsaayos ng mga sesyon. Ipinaliwanag niya na hindi bababa sa 141 milyong tonelada ng katumbas na COay pinakawalan sa panahon ng digmaan sa Iraq sa pagitan ng Marso 2003 at 2007. “Ang military ay isang uri ng protektadong polusyon, “ sabi niya. “Isipin ang lahat ng mga pinagkukunan noong panahon ng pagsasanay ng military sa Russia at Belarus ilang linggo ang nakararaan,” ipinunto niya, na tumutukoy sa ZAPAD 2017 exercise.

Sa panahon ng Cold War, ang mga bahagi ng Russia ay naging lupang basurahan ng mga lumang sandata, mga produktong petrolyo at iba pang mga basurang militar. Inilarawan ni Anatoly Shevchuk, propesor sa Russian Presidential Academy of National Economy and Public Administration, na ang paglilinis ng Russia sa lupang basurahan ng arkipelago ng Franz Josef ay nagpapatuloy simula pa noong 2012, at sinasabi na mag-uumpisa na silang linisin ang Kola Bay.

Ang pangalawang seminar ay tumingin sa pagbabago ng klima bilang bagong banta. Sa ganito, tiningnan ni Wilfrid Greaves mula sa Unibersidad ng Victoria sa Canada ang pagbabago ng klima laban sa urbanisasyon, ipinupunto na ang mga lungsod na may malalaking imprastraktura ay mas mahina sa pagbabago ng klima habang ang epekto ng pagbabago ng klima sa mga lungsod ay minaliit. “Ang pag-init sa mga lungsod ay 10 ulit ng sa di-lungsod na mga lugar,”

Photo: Anders Oskal from Norway’s International Centre for Reindeer Husbandry said the Arctic Council’s Arctic Monitoring and Assessment Programme works with reindeer herders and how they deal with climate change. Credit: Lowana Veal | IDN-INPS.

Larawan: Sinabi ni Anders Oskal mula sa Norway’s International Centre for Reindeer Husbandry na ang Pagsubaybay ng Artiko sa Konseho ng Artiko at Programang Pagtatasa ay nagsasaayos sa mga pastol ng usang reno at kung paano nila hinaharap ang pagbabago sa klima. Kredito: Lowana Veal | IDN-INPS.

Most Popular